Friday, March 26, 2010

FILIPINO PANANALIKSIK

INTRODUKSYON


PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ano ang pinakamabisang paraan ng pagkuha ng isang job seeker ng trabaho at ang pinakamabisang paraan ng pagkuha ng isang job receiver ng kanilang mga empleyado?

REBYU/PAG-AARAL


Sa pananaliksik na ito nahirapan ang mga mananaliksik na magrebyu ng mga paksang malapit sa pananaliksik na ito dahil sa kakulangan ng mga libro na may kaukulan sa paksang ito, ngunit sa tulong ng internet ay unti-unting naging buo ang paksa na dapat patunayan.


Kasama dito ang blog na TrabahoPhilippines.com na nagbibigay ng mga paksa na may kaugnayan sa aming pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay nagsarbey ng 100 na empleyado sa iba’t-ibang kumpanya kung saan sa sarbey na ito ay nakasaan ang katanungan tungkol sa kanilang pagpasok sa kumpanya. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng karampatang datos at impormasyon.

LAYUNIN


Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapatunayan na ang JOB FAIR ang pinakamabisang paraan sa pagkuha at pagtanggap ng isang job seeker at job receiver ng trabaho at empleyado. Layunin din ng pananaliksik na ito ay ang maitukoy kung anu-ano ang mga mabisang paraan bukod sa JOB FAIR.


KAHALAGAHAN


Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga kumpanya at HR (Human Resource) Managers ng isang kumpanya para mas madali nang maisasagawa ang pagkuha ng mga empleyado, hindi lang sa kumpanya ay gayundin sa mga sangay ng gobyerno, mga pribadon g mkumpanya at kung anu-ano pa. Katulad sa relasyon ng job seeker at job receiver, makakatulong din ito sa mga job seekers na gustong makakuha ng kanilang trabahong ninanais nila sa madaling paraan lamang. Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy kung saan mas mapapadali ang isang job seeker at isang job receiver sa pagkuha at pagtanggap ng trabaho at empleyado.


Ang mga mananaliksik ay napili ang paksang ito dahil gusto ng mga mananaliksik na makatulong sa mga job seekers at job receivers na matukoy ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng trabaho at empleyado kung saan ay magiging “standard method” ang paraan na natukoy ng mga mananaliksik sa mga HR Managers. Makakatulong din ito sa job seekers nas nahihirapang makapasok sa isang partikular na trabaho.


Isang kahalagahan din ng pananaliksik na ito ay ang pagkumparahin sa kung papaanong paraan mas maaaakit ang job seekers. Kalakip na rin dito ang kahinaan at kalakasan ng bawat paraan ginamit.


METODOLOHIYA


Ang mga paraan para sa daloy ng pananaliksik na ito ay pagkuha ng demograpiya ng Maynila kung saan ito ang lugar na pagkukuhaan ng mga datos at impormasyon. Pagkalap ng dokumento sa aklatan katulad ng mga terminong ginamit at mga kasaysayan ng mga kumpanya. Ang pagsasarbey at paginterbyu sa mga kumpanya ay naisagawa sa pamamagitan ng 25 na empleyado at maigagawa ng karampatang tsart at pagranggong kalagahan.

Narito ang sarbey na aming ipinasagot sa 100 respondente:

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na tanong na nakalagay sa ibaba. Kaunting oras lang po ang aming hinihingi mula sa inyo aming mga respondente na sagutan ang sarbey na ito.

1. Sa papaanong paraan kayo nakapasok sa kumpanya?

Kung kailangan ng pagpipiliian, maaaring mamili sa pagpipilian sa Question # 4

2. Nakatulong ba ang Job Fair sa inyong paghahanap ng trabaho?

3. Mabilis ba ang proseso ng paraan na napili mong trabaho?

4. Sa iyong pananaw bilang isang job seeker, anu sa palagay mo ang pinakamabisang paraan upang makakuha ng isang trabaho? Ayusin ito sa kahalagahan (1-Pinakamahalaga, 7-Hindi mahalaga)

__ Job Fair __ Interview __ Brochure o Pamphlet

__ Internet __ Newspaper

__ Television __ Poster

5. Ano ang iyong mairerekomendang paraan ng paghahanap ng trabaho? Bakit?

6. Gaano na kayo katagal sa inyong trabaho?

7. Bakit o sa papaanong paraan kayo nagtatagal sa inyong trabaho?

8. Reaksyon o komento na iyong masasabi ukol sa aming sarbey o komento na maaaring makatulong sa aming pananaliksik.

MARAMING SALAMAT sa oras na inyong inilaan para sa amin! Nawa’y pagpalain kayo ng Maykapal

SAKLAW/DELIMITASYON


Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagkuha ng datos sa iba’t-ibang kumpanya at negosyo kung saan ito ang pinagbasehan ng mga mananaliksik. Maikling panahon lang ang kinakailangan dito upang maisagawa ang pananaliksik na ito dahil sarbey at interbyu lang ang paraang ginamit sa pagkalap ng datos mula sa lipunan.

Sa pananalapi naman ay wala masyadong gastos at simple lang ang mga datos na kukuhain. Kasama dito ang SEPP (Social Economic and Physical Profile) kung saan ay wala itong karampatang bayad. Personal na gastos lamang ang ginamit sa sa pagpi-print ng draft.


Sa pisikal na usapin ay may mga kailangang makaharap o makausap upang makakuha ng datos. Katulad ng CPDO (City Planning and Development Office) Head kung saan ay makakakuha ng demograpiya ng Maynila na kalakip sa binigay na SEPP. Mga librarian ng iba’t-ibang aklatan kung saan ay gumabay sa mga mananaliksik sa mga librong kinakailangan.


DALOY NG PAG-AARAL


Sa Kabanata 1 ay nakalahad ang mga depinisyon ginamit sa pananaliksik na ito. Sa Kabanata 2 ay dito mababasa ang mga datos, impormasyon at tsart na nakalap ng mga mananaliksik. Kasama dito ang analysis sa mga datos kung saan ay bibigyang pansin ang mga datos na nakalap. Sa Kabanata 3 naman ang buod ng Kabanata 1 at Kabanata 2, kongkulsyon na nagawa sa resulta ng mga datos at rekomendasyon sa mga mambabasa. Kasama dito ang bibliograpi at pagkilala.


CHAPTER 1

INTRODUKSYON

Iba na nga ang bansa natin ngayon, at hindi natin iyon maikakaila. Malaking impluwensiya sa pagbabago ng ating bansa ngayon ay ang sistema ng pamahalaan, probleman pangkalikasan, ang pag-usbong ng teknolohiya at ang ekonomiya. Sa larangan ng ekonomiya, nagbabago din ang progreso nito, isa na dito ang mga OFW’s na nagmimistulang bayani sa ating bansa dahil sa mga remittances na kanilang ipinapadala. Maaaring tumaas o bumaba ng porsiyento nito. Maraming aspekto ang pwedeng bumago sa ating ekonomiya, dito pumapasok ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), turismo, seguridad, kalikasan at iba pa. Pasok din sa aspektong ito ang kalidad sa pag-aaral at ang mga trabaho. Dito natin makikita ang mga istratehiya at iba’t ibang pamamaraan ng isang indibidwal upaang makamit ang trabahong nais niyang makamit at dahil iyon sa kanyang mga pinagaralan.


Sa panahon ngayon, marami na ang nakapagtapos at nakamit ang trabahong gusto nila makuha. Ngunit sa paglago ng populasyon sa Pilipinas ngayon, marami na ang nag-aagawan sa mga trabahong gusto nilang makuha. Paano nga ba makakamit ang isang trabaho? – Dapat isipin na nababagay sa ating kakayahan ang trabahong gustong pasukin. Papasok dito ang mga kwalipikasyon ng isang kumpanya upang kumuha ng mga empleyado na nais nila. Ano nga ba ang pinakamabisang paraan upang makakuha ng trabaho ang isang job seeker o tumanggap ng empleyado ang isang job receiver? Sa pananaliksik na ito ay unti-unting matutuklasan kung ano ang mga makabagong paraan sa pagkuha at pagtanggap ng trabaho at empleyado.

Maraming paraan din para makakuha ng trabaho – sa paraan ng job fair, internet, telebisyon, interbyu, diyaryo, poster at brochure.





Ang paraang job fair ay isang pagtitipon na nagaganap sa isang lugar kung saan madaming estudyante, mga nag-aaply ng trabaho at mga isponsor ang pumupunta dito. Ito ay binubuo ng mga kompanya na nangangailangan ng bagong empleyado at sa kanilang pamamaraan ay nakakakuha sila ng mga empleyadong nais nila. Karaniwan itong ginaganap kapag nakikita ng mga kumpanya na tumataas ang unemployment rate ng ating bansa – isang estratehiya kung saan ay makakakuha ang isang kumpanya ng mga empleyado dahil na din sa dami ng nag-aapply dito.




Ang paraang pag-iinternet ay ay isang salik ng komunikasyon na ginagamitan ng kompyuter na nagkokonekta sa maraming kalakalan, institusyon at maging sa indibidwal. Ito rin ang tawag sa pinaikling tawag na “Inter connected network of networks” na pwedeng kumonekta sa libo-libong gumagamit ng internet sa buong mundo. Bilang isang job seeker, na karamihan sa populasyon natin ngayon ay sanay nang gumamit ng internet madalas ay dito sila naghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan ng internet ay maaaring makakuha ng iba’t-ibang trabaho dahil sa lawak ng saklaw nito, maging ibang bansa ay nasasakupan nito.


Sa paraang telebisyon, ito ay isa sa mga pinakaimportanteng salik ng komunikayon. Dito makikita nila ang iba’t ibang nangyayari sa ating lipunan. Pwede ditong mapanuod ang iba’t-ibang palabas na pwedeng magmulat sa atin sa mundo ng media. Mapanuod ang mga palabas na na maaaring makapagbigay ng kaalaman dahil sa dami ng impormasyong binibigay nito para sa atin. Sa pamamagitan ng telebisyon din ay maaaring maipokus ng isang manunuod ang pagpapalabas ng anunsiyo – isang paraan para makakuha ng empleyado. Sa telebisyon din ay makakakita tayo ng iba’t ibang anunsyo na pwede rin itong sanggunian ng pagkakapasok ng job seekers sa kanilang trabaho.




Ang paraang diyaryo naman ay makikita ito sa seksyon ng classififed ads. Ang dyaryo ay isang uri din ng komunikasyon na kung saan binibigyan tayo ng mahahalagang impormasyon na tumatalakay sa mga kasalukuyang balita ng isang bansa at kung saan ay naiprepresenta dito ang mga iba’t ibang anunsyo katulad ng mga produkto na ibinebenta at maging ang mga trabaho. Sa lagay ng job seekers, ang iba’t-ibang kumpanya naman ay naglalagay ng anunsiyo sa classified ads at hahanapin ang tamang trabaho para sa kanila.




Ang paraang pamphlet naman ay isang papel na mag-aanunsiyo sa taong bayan kung saan ay pinapamigay ito sa publiko. Naglalaman ito ng mga impormasyon kung saang lugar ang nakatakdang puntahan pati ang petsa, mga trabahong bakante at mga trabahong inaalok sa mga job seekers.




Sa paraang poster naman ay nakadikit ito sa ispesipikong lugar kung saan ay nakikita ng tao bilang parte ng anunsiyo. Katulad ng pamphlet o brochure, nakalagay din dito ang mga ispesipikong impormasyon na dapat sundin ng isang job seeker sa pag-apply ng isang trabaho.





Ang paraang interbyu ay nangangahulugan na interersado ang isang kumpanya na tanggapin ang isang aplikante ngunit gusto nilang makasiguro na saklaw ng interes ang aplikante na hinahanap nila kaya nagsasagawa sila ng interbyu.


KALAKASAN AT KAHINAAN NG BAWAT PARAAN


JOB FAIR

Kalakasan:

Maraming mga job seekers ang pipila at mag-aaply sa paraang ito. Kasama sa paraang ito ang iba’t-ibang kumpanya na nagsama sama na may layunin na makakuha rin ng mga empleyado. Kalakasan ng paraang ito ang mga dami ng tao na nais mag-apply sa ispesipikong trabaho na ninanais nila. Maaaring makapasok ang mga aplikante ngunit nakadepende pa rin iyon kung kwalipikado ba ang mga aplikante o hindi.

Kahinaan:

Maraming mga job seekers ang naghahanap ng trabaho at umaasang makapasok. Ngunit bilang isang kumpanya, karaniwan ay mataas ang basehan ng kanilang kwalipikasyon, kung ang mga job seekers na nag-apply ay hindi pasok sa mga mga kwalipikasyon na ibinigay, ay bale wala rin ang isinagawang job fair.


INTERNET

Kalakasan:

Dahil sa modernong teknolohiya na umusbong sa ating teknolohiya ngayon, karamihan sa mga tao sa ating lipunan ay marunong ng gumamit ng internet at maghanap ng trabaho na gusto nila. Malawak ang sakop ng internet dahil pati ibang bansa ay sakop nito. Kung ikaw ay ismag edukadong tao ay malaki ang tsansa mo na makakuha ng trabahong ninanais mo dahil sa internet ay kadalasang edukandong indibidwal ang madalas na hinahanap.

Kahinaan:

Maaaring panloloko lang ang isinasagawa mga webistes na inilalagay sa internet, kung saan ang isang job seeker ay aasikasuhin ang kanyang dokumento na ibinibigay ng kumpanyang kanyang pinag-aapplyan sa pamamagitan ng internet ngunit malalaman ng job seeker sa huli na panloloko lang ito. Kapag natukoy na ang panloloko, tiyak na madedemanda ang website na natukoy at dahil sa epekto nito ay maaaring mademanda din ang job seeker dahil sa lawak ng sakop ng internet.


TELEVISION:

Kalakasan:

Isang bagay na nakagawian na nating gawin bilang Pilipino ang panunuod ng telebisyon, halos lahat ng mamamayan sa ating bansa ay gawain nang manuod ng telebisyon, kalakasan nitong paraan na to ay ang pagkatutok ng mga manunuod kung saan ay kapag nasaktuhan ng isang job seeker ang isang anunsyo sa telebisyon ay maaaring bigyan ito ng pansin at tawagan ang mga numeron ibinigay.

Kahinaan:

Dahil sa pagkatutok ng mga Pilipino sa panunuod ng mga palabas na paborito nila ay maaaring ipagwalang bahala nila ang anunsyo na binayaran ng kumpanya, at dahil sa kawalan ng interes ay pwedeng ilipat ito sa ibang palabas o channel.


INTERVIEW

Kalakasan:

Dito nakakasiguro ang isang kumpanya kung pasok ba talaga ang isang aplikante sa kanyang trabaho o hindi. Dahil sa sagot ng isang aplikante nakasalalay ang gradong ibibigay sakanya ng kumpanya na kanyang pinag-interbyuhan. Dito din babase ang kumpanya kung tatanggapin ba nila ang aplikante kahit pasok ang aplikante sa kwalipikasyong ibinigay ng kumpanya. Kadalasang itinuturing ang interview bilang huling pagsubok sa pag-apply ng trabaho

Kahinaan:

Kapag ang aplikanteng nakaranas ng kaba kapag nakasalang na sa “hot seat” ay maaaring malingat sa kanyang mga sagot at magkamali. Sa pagkakataong ito ay maaaring hindi siya tanggapin ng kumpanyang kanyang ina-applyan. Karaniwang bumabagsak ang isang aplikante kapag kulang ito sa kanyang kasanayan sa pagsagot at pag intindi.


NEWSPAPER

Kalakasan:

Sa mga mahilig magbabasa, kalakasan ng paraang ito ang makakuha ng mga empleyado na makakakit sa kanilang anunsiyo sa pahayagan. Marami ding job seekers na umaasa na sa pamamagitan ng pahayagan ay makukuha nila ang trabahong ninanais nila. Iba ito sa mga paraang nilahad dahil may mga kulang na impormasyong inilalagay sa pahagan tulad ng mga lugar o mga impormasyon na tumutukoy sa kumpnya. Kaya sa mga interesado lang sa kumpanya ang gamit nitong paraan na ito at nakalagay sa pahayagan ang numerong dapat nilang tawagan.

Kahinaan:

Ang pahayagan ay binabasa ng marami, ngunit kapag ikaw ay tamad ay napapawalang-bahala ito at hindi pinapansin ng karamihan dahil na din sa mga seksyon sa pahagan na pwedeng magbigay pokus sa ating interes. Kaya nakakaligtaang tignan ang classified ads dahil din sa kaliitan ng mga anunsyo na nagreresulta sa pagkahilo at pagkamatad.


POSTER

Kalakasan:

Nakikita ng tao sa publiko kung saan ang mga interesadong job seekers ay bibigyang pansin at kukuhain ang mga ispesipikong impormasyon upang makontak ang mga kinakailangang kausapin. Malaki rin ang tsansa ng paraang ito sa pagkuha ng mga empleyado dahil sa mga lugar na pinaglagyan sa publiko at talagang makikita ng mga tao.

Kahinaan:

May mga tao na hindi alam ang kanilang dinadaanan lalo na kapag ito ay nagmamadali o sadyang walang interes sa mga poster na nakadikit sa pader o na maaarng masilayan ng publiko. Dito papasok ang pagiging walang bahala ng isang indibidwal sa mga anunsyong nakasaad sa pader.


BROCHURE

Kalakasan:

Ang kalakasan ng brochure ay ang pagkakaroon ng atensiyon sa mga interesado kapag naipamigay na ito ng empleyado ng isang kumpanya sa publiko. Nakasaad na din dito ang mga ispesipikong detalye kung paano ka gagabayan ng kumpanya sa pag-apply, mga kwalipikasyon at mga ibang bagay na patungkol sa trabaho.

Kahinaan:

Kapag ang isang indibidwal ay hindi interesado sa brochure na ibinigay ay madalas itong itinatapon at ipinapawalang-bahala kaya nawawan din ng bisa ang paraang ito sa mga taong nagmamadali sa kanilang dinadaanan at sa mga publiko na hindi gaanong maalam sa trabaho.


CHAPTER 2

Paano nga ba kumuha ng mga empleyado sa isang kumpanya? – Mula sa librong Psychology and Business na nakasaad ang mga paraan ng pagkuha ng kanilang mga empleyado at nakasaad dito ang tamang pagpili ng mga empleyado:


Pagpili at Pagtanggap ng mga empleyado

Ang pagpili ng mga empleyado ay isa sa mga mahihirap na bagay pagdating sa negosyo. Maraming aspekto ang pumapasok kapag namimili na ang kumpanya sa mga empleyadong gustong pumasok dito, may mga pagsubok at pag-aaral na dapat isagawa ang kumpanya bago magtanggap ng mga bagong empleyado. Isa sa mga paraan upang makapamili ng tamang empleyado ay ang pagtanggap dito. Ang pagtanggap ng empleyado ay isang proseso kung saan pinili at tinganggap ang isnag empleyado na nakapasa sa mga pag-aaral at pagsubok na kanilang ibinigay. Ang layunin din nito ay mapalakas ang ekonomiya ng isang kumpanya o kaya ay mapatilan ang isang bakanteng posisyon (kung mayroon man)

Sa maliliit na negosyo ay hindi masyadong binibigyang pansin ang ma kwalipikasyong hinahanap. Dahil na din sa kakulangan ng oras, mas binibigyang pansin ng mga may-ari ng negosyo ang rekomendayon ng isang kaibigan o kakilala na naging unang indibidwal na kayang gampanan ang gawaing itinakda nila.


Ayon kay Beach at Clark (1959) nakasaad sa librong Psychology and Business:

a. Ang pinaka-importanteng saklaw ng mabuting pagpili ng empleyado kung ito ba ay may pinakamagandang silbi sa kumpanya at pagiging kuntento sa trabahong pinili

b. Kung maganda ang paraan ng pagpili ay maiiwasan ang pagbabantay sa bagong empleyado, kung saan ay sanay na ito at magiging pamilyar agad sa mga batas na ipinapatupad sa kumpanyang kanyang pinapasukan, pati na rin ang pagiging mabuting pinuno sa mga kasamahan ay kasama dito.

c. Ang magandang pagpili din ay magdudulot ng pagkaiwas sa palipat-lipat na mga empleyado mula sa iba’t-ibang derepartamento.

Mga Saklaw sa pagpili ng mga Empleyado

Panloob – ito ang pinakamabuting paraan sa pagumpisa ng pagaaya kung saan ay naguumpisa ito sa mismong opisina at ang aplikante mismo ay sasadya at mag-aapply. May posibilidad din na magkaroon ng pagtataas sa posisyon o pagkakalipat sa departemento kapag kwaalipikado ang isang aplikante kung saan ay magiiba ang kasanayan ng mga empleyado doon. Dito nasasakop ang paraang interbyu.

Panlabas – itp naman ang paraan na pagaaya ng isang kumpanya sa labas ng opisina. Sakop nito ang masusing pagpaplano sa pagpili ng empleyado kung saan maaari itong mula sa mga paraang ginamit tulad ng job fair, newspaper, brochure, poster, at internet.

Mga kung paano mag-aya, pagpili at pagtanggap sa mga empleyado:

a. Pag-aaral at pagaanalisa sa mga iba’t-ibang trabaho sa kumpanya na lalagyan ng kwalipikasyon at ang kapaligiran ng trabaho.

b. Pag-aapply ng isang aplikante.

c. Tapusin ang application form

d. Inisyal na interbyu kung saan masusukat ang galing ng aplikante.

e. Pagtingin sa resume ng aplikante, na sakop dito ang paaralang pinasukan, ang grado sa dating paaral at personal na impormasyon.

f. Mga propesyonal na pagsubok para sa mga kwalipikadong aplikante.

g. Pisikal sa eksaminsayon kung saan makikita dito ang kalagayan ng kalusugan.

h. Pagtatakda ng nararapat na trabaho sa aplikante

i. Huling pagsubok, ang huling interbyu.

j. Pagtanggap sa kumpanya.


Sa pamamagitan ng mga diskarteng ginagamit ng isang kumpanya sa pagkuha ng mga empleyado ay nasusukat agad ang kinabuksan ng kumpanya, dahil nakasalalay din ito sa ipinapakitang ugali ng bawat empleyado ang kanilang opisinang pinapasukan.


Ang koneksyon nito sa mga paraan ng pagkuha ng empleyado ay ang sa kung papaanong paraan sila kukuha ng mga aplikante kung saan sila magsasagawa ng pag-aaya o pagpipili. Nasa kumpanya na ang dikarte kung papaano sila makakauha ng aplikante sa mabilis na paraan lamang.


Sa panig naman ng job seekers, ang simpleng gabay kung paano mamili ng kumpanyang ppapasukan ay ang magsaliksik ukol sa kumpanya, kapag ang kumpanya ay dalawang taon pa lamang, malaki pang pagkakataon na pwede itong bumagsak. Ngunit kapag ito ay labinlimang taon nang namamalakad, ay hindi mo na nasundan ang kanilang progreso sa pamamalakad nito. Suriin kung ang mga empleyado sa kumpanya ay may magandang relasyon at pagkakaisa sa bawat isa.


Mas maganda kung maalam ka sa kumpanyang papasukan mo na kapag ikaw ay tinanong sa kaligiran ng kumpanya at nasagot mo ito ay malaking tsansa makapasok ka dito.

Upang maitukoy at masunod ang layunin, ang mga mananaliksik ay nagsarbey sa iba’t-ibang kumpanya at negosyo na kung saan ay sinagutan ang mga katanungan at nakalap kaagad ang mga datos na kinakailangan.

Ang mga kumpanya at negosyong pinagsarbeyan:


CONVERGYS PHILIPPINES

Isang call center mula sa ibang bansa na nagkaroon ng sangay dito. Ang pinagsarbeyan ng mga mananaliksik ay ang mga Recruitment Specialists. Bakit? Dahil sa Recruitment Specialists ay mataas ang kwalipikasyong hinahanap at madali nilang makukuha ang trabaho kung edukado sila at maganda ang pinag-aralan nila.


JAMMAS (Janitorial Maintenance and Manpower Allied Services Inc.)

Ang opisyal na agency ng FEU (Far Eastern University) na ang mga janitors, at maintenance naman ang pinagsarbeyan ng mananaliksik. Bakit? Dahil gusto din matukoy ng mga mananaliksik kung sa papaanong paraan sila nakapasok sa agency na pinasukan nila.

AYALA PROPERTY (VERTEX ONE)

Ang Vertex One ay isang pag-aari ng mga Ayala na kung saan ay nagsarbey ang mga mananaliksik sa mga empleyado dito (guardiya, inhinyero mula sa ibang kumpanya, arkitekto, mga maintenance at receptionist) Dahil katulad sa dahilan sa Convergys Philippines ay may kataasan din ang mga kwalipikasyon dito dahil ang Ayala ay maganda ang takbo ng kanilang ekonomiya kaya mataas ang kwalipikasyon para maisabay pa rin ito sa daloy ng ganda ng ekonomiya ng kumpanya.

Narito ang mga impormasyong nakalap:




Ang resulatang ito ay base sa pagraranggo ng mga respondente kung saan ay kinakailangan nilang isa-ayos sa kahalagahan base sa pananaw nila kung ito ang pinakamabisang paraan sa pagkuha ng trabaho o empleyado. Base sa resulta sa ginanap na sarbey, karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ayong diyaryo ang may pinakamabisang paraan kung saan sa ispesipikong pahina, sa classified ads ito makikita at mababasa ng mga mahihilig magbasa ng diyaryo. Pumapangalawa ang job fair kung saan ay ang mga job seekers ang mga pumupunta sa lugar na itinakda ng isang kumpanya. Pumangatlo ang interview na ang pinakamaraming dahilan ay ang pag-apply sa isang kumpanya at kapag kwalipikado sa mga kwalipikasyong ibinigay ay tatawagan at iinterbyuhin para malaman kung pasok o hindi. Pang apat ang internet na pinaniniwalaang saklaw ng teknolohiya sa ating bansa, kung saan laganap ang pag-aaply ng mga job seekers at dahil sa morenong teknolohiya ay posibleng mas mabilis ito kaysa sa mga paraang nakalahad. Panglima ang telebisyon, na hindi masyadong pokus ng telebisyon na maganunsiyo ng mga trabaho dahil ang mga manonood ay nakapokus sa mga palabas ng istasyon. Pang anim o pangalawa sa huli ang poster kung saan ay tinitignan ng mga tao at minsan ay nakalahad ang mga ispesipikong detalye kung saan ay inililista ito ng mga job seekers at mag-aaply sa itinakdang panahon at lugar. Pang pito o pinakahuli ang brochure na kung saan ay ipinapamigay ito sa publiko at karaniwang itinatapon ng mga hindi interesado.




Base sa resulta na naisagawang sarbey, ang kalalakihan ang may pinakamalaking porsiyento sa mga respondenteng mnga mananaliksik na sinundan ng mga kababaihan na may mababang porsiyento. Nangangahulugan na ang mga kalalakihan ang madalas na tumutustos sa kanilang mga pamilya o sa kung anumang dahilan ay ang lalake ang kumikilos para sa kanilang ikabubuhay.




Base sa resulta na isinagawang sarbey, lumalabas na ang mga empleyadong nasa edad 26-30 ang pinakamarami sa mga empleyadong nasarbey. Ayon sa Psychology and Business, ang edad 26-30 ay pumapasok sa Young Adulthood stage (20-40years) kung saan may dalawang pangunahing usapin, ang trabaho at patungkol sa pagmamahal kung saan ay sakop sa isang indibidwal ang pagpasok sa seryosong relasyon at pagpili ng trabaho at kung saan ay meron itong tungkulin sa atin bilang angkop nitong baitang na ito, ang pagkakaroon ng trabaho, pagpili ng karelasyon, matutong mabuhay na kasama ang karelasyon, kaya nang magpundar ng isang pamilya, kasanayan sa pagkakaroon ng anak, responsibilidad bilang ama o ina. Pumangalawa ang sakop ng edad 21-25 na sakop din ng Young Adulthood stage. Pumangatlo ang edad na 31-35. Pang apat ang 15-20 na sakop ng Adolescent stage, kung saan ay nag-iiba ang anyo ng isang indibidwal, nagiging mas malawak ang pag-iisip , maraming pagbabago katulad ng pisikal na anyo, emosyonal, intelektwal at panlipunang pagbabago. Ang tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata sa lipunan ay ang pagkakaroon ng alerto sa mga bagay bagay, pagkakaroon ng responsibilidad sa lipunan at iba pa. Pang lima ang 36-40 na sakop pa rin ng Young Adulthood stage. Pang anim ang 41-45 na sakop na ng Middle Adulthood stage kung saan ay madalas na iginagalang dahil sa pagiging mataas sa kanilang pamilya tulad ng lolo o lola, dito rin papasok ang pagkakaroon ng climateric sa kalalakihan at menopause sa kababaihan. Ang mga tungkulin nito ay ang pagkakaroon ng aliwan o pagkakatuwaan, responsibilidad sa lipunan at sa ibang tao, at pagkakasanay sa pagiging matanda o may edad. Panghuli naman ang may edad 46-50 na sakop ng Middle Adulthood Age.




Base sa mga sagot ng respondente ng mga mananaliksik, malaking porsyento ang nakuha ng OO, kung saan ay sa paghahanap nila ng trabaho ay may naitulong ang job fair sa kanila. Ngunit marami din ang nagsasabi na HINDI ito nakatulong sa kadahilanang hindi angkop sa kanilang paghahanap ng trabaho ang paraan na job fair. May sumagot din na hindi nila maitukoy kung nakatulong ba talaga ang job fair o hindi.


Sa resulta ng naisagawang sarbey tungkol sa bilis ng proseso, marami pa rin ang sagot na OO muna sa mga respondente ng mananaliksik na sa kadahilanang mabilis na naisagawa ang proseso na kinakailangan sa kanilang pag-apply. May mga sumagot din ng HINDI dahil nung nag-apply ang ibang mga respondente ay nahirapan sila at may mga ibang dokumentong hinihingi o kaya ay maraming kasabay ang ibang aplikante kaya nagresulta ito sa pagkatagal ng proseso.




Mula sa naisagawang sarbey, ang resulta na lumabas ay mula sa 1 taon sa serbisyo hanggang 5 taon ang may pinakamarami, pumangalawa ang 1 buwan hanggang 11 buwan, pumangatlo ang 6 na taon hanggang 10 taon, pang apat ang 11 taon hanggang 15 taon, at paghuli ang 16 taon hanggang 20 taon.

Ang mga dahilan ng mga respondente kung bakit sila nagtatagal sa kumpanya ay:

· sa kabaitan ng amo kung saan ay nabibigyan ito ng magandang trato at atensyon sa kanilang pangangalingan;

· ang pangangailangan ng pera pantustos sa mga araw-araw na gastusin at sa pamilya;

· pagiging maganda ang pamamalakad ng kumpanya at pagkakaroon ng magandang impresyon sa mga empleyado nito;

· ang mababang sweldo ngunit malinis na trabaho sapagkat hindi sila gumagawa ng masamang bagay para makakuha ng malaking pera bagkus ay hindi baleng naghihirap sila basta ito ay malinis;

· walang sapat na edukasyon na naging hadlang sa kanila na mamili ng trabahong gusto nila;

· pauna madalas ang sahod na madalas na ikinatutuwa nila;

· gusto at nakahiligan ang trabahong tinatangkilik kaya sila ay nagtatagal;

· maragal ang trabaho, walang bahid na dayaan at dumi. Sadyang malinis lang ang trabaho;

· mahirap maghanap ng trabaho sa kadahilanang hindi sapat ang edukasyong natapos;

· para na rin sa mga magulang, kaya nagtatangkilik upang matustusan din ang personal na pangangailangan;

· may renewal ng kontrata at minimum wage na kung saan ay ang mga empleyado ay kuntento at hindi kaagad agad napapaalis dahil sa bisa ng renewal ng kontrata;

· maganda ang rules and regulations pati na rin ang pagiging kumpleto ng benepisyo na ibinibigay sa bawat empleyado;

· may cash incentive ma madalas na pampadagdag sa isang empleyado ng gana upang gumanap pa sa kanilang gawain na mas mabuti;

· at maganda ang samahan sa kumpanya, pagkakaroon ng kaibigan na isa ring salik para maging maganda ang pagseserbisyo sa kumpanya


REKOMENDASYON NG MGA RESPONDENTE

Nakasaad sa aming sarbey ang katanungang “Ano ang iyong mairerekomendang paraan ng paghahanap ng trabaho? Bakit?” Narito ang kanilang mga sagot:

· Sa paraang telebisyon dahil mas nakatutok ang mga manunuod sa telebisyon kaya maaaring bigyan ito ng atensyon ng mga job seekers.

· Sa paraang interbyu, mas makakasiguro ang mga kumpanya kung talagang pagkakatiwalaan ng kumpanya dahil nakabase sa sagot ng aplikante ang kanyang pagkakapayag ng kumpanya o pagkakabagsak sa isinagawang interbyu.

· Sa sipag at tiyaga sa paghahanap ng trabaho, makukuha mo ang ninanais mong trabaho kapag hindi ka sumuko at idaan ito sa sipag at tiyaga.

· Sa paraang newspaper naman ay masasaksihan ito sa classified ads section kung saan makakakita tayo ng mga pagpipilian ng trabaho na saklaw sa ating interes.

· Sa Internet, ang paglaganap ng Jobstreet, JobsDB at kung anu-anung website na pwedeng makakita ng mga trabaho. Isa pang dahilan ay hindi mo na kailangang lumabas ng bahay para maghanap pa ng trabaho mabilis din ang proseso dito dahil bubuksan kaagad ang iyong resume.

· Ang pagiging maalam sa kumpanyang papasukan, isang diskarte ng job seeker upang maipakita kaagad ang tiwala ng kumpanya sakanya.

· Sa paraang poster kung saan ay nakalagay na sa nilalaman ang mga ispesipikong impormasyon

· Sa paraang job fair dahil sa personal mo agad makikita ang taong pinipili at pinag-aaralan mo kaysa sa internet lamang.

· Ang pananalig sa Maykapal, kung saan ay gagabayan tayo sa mga pagsubok na dinadaanan natin.

· Ang hindi mapili sa trabahong papasukan, kung ayos naman ang sweldong tinatanggap at kuntento naman sa kumpanya ay mas mabuting magtagal na lang sa kumpanyang pinapasukan kaysa sa palipat-lipat.


ANALYSIS NG MGA DATOS

Ang mga mananaliksik ay may bagong paraaan na nalaman mula sa mga respondente. Dito papasok ang WALK-IN na pamamaraan na kung saan ang isang empleyado sa isang partikular na kumpanya ay magpapasok o magpapa-apply ng isang aplikante sa kumpanya na sa tingin ng empleyado ay sakop nito ang mga kwalipikasyon nito. Ang paraang RECOMMENDATION LETTER naman ay ang pagrekomenda ng isang kumpanya o tao sa ibang kumpanya o tao ng isang aplikante na sakop ang kwalipikasyon at malaki ang maitutulong nito sa kumpanya kaya ito ay inirekomenda at ito ay ginagawa sa liham lamang at ipinapadala sa kumpanya o tao na nangangalaga nito. Sa paraang PERSONAL NA REKOMENDASYON naman ay kaparehas lang ng recommendation letter ngunit ito naman ay sa personal na pagrerekomenda kung saan pisikal na makikita ang aplikanteng irerekomenda. Mas mabilis ang pagproseso nito dahil maaaring agad agad isagawa ang pagtanggap o pagpili sa nasabing aplikante. Ang paraang REFERRAL naman ay may kahalintulad sa recommendation letter at personal na recomendayon dahil ito ay itinatawag sa isang kumpanya o tao na siyang nangangalaga sa kumpanya dahil sa paningin pa lang ng taong nagsubok sakanya ay nasa sakop na niya ang kwalipikasyong kinakailangang makuha ng isang aplikante.


Ayon sa mga kasagutan ng mga respondente na nais nilang mungkahi sa lipunan lalo na sa gobyerno, sa kumpanya at sa mga mananaliksik ay ang pagkakaroon ng Accredited Learning Schools kung saan maturuan ang mga indibidwal na mababa lamang ang pinagaralan ay mabigyan ng karampatang edukasyon upang makapasok ang ibang job seekers na mababa ang pinag-aralan sa mataas na posisyon. Sumunod ay ang pagbati ng bawat empleyado sa kumpanya o kaya ay etiquette kung saan ay magkakaroon ng magandang samahan ang mga empleyado pati na rin sa mga taong nasa mataas na posisyon. Dapat din nating isipin na kung anu ang kursong natapos natin ay sakop din iyon ng trabahong ating pinili/napili dahil sa pagkakataong iyon ay maibubuhos natin dito ang kaalamang nalalaman nuong nagaaral pa. Sipag at Tiyaga lamang ang kinakailangan ng isang job seeker at empleyado upang magtagumpay sa mga gawaing kanilang ninanais.


CHAPTER 3:


KONKLUSYON:

Base sa pag-aaral sa mga datos at impormasyong nakalap, lumalabas na ang newspaper ang pinakamabisang paraan sa pagkuha ng empleyado ng isang kumpanya at paghanap ng trabaho ng isang job seeker, bagamat nakasaad din sa mga datos na nakatulong ang job fair sa kanila, ay mas matimbang sa sarbey ang pahayagan. Nasa pananaw pa rin ng isang indibidwal kung alin sa kanila ang pinakaimportanteng paraan. Bigo man sa naging layunin na mapatunayan ang job fair na maging “standard method” ng isang kumpanya sa pagkuha ng empleyado at paghanap ng trabaho ng isang job seeker, ay makikita din natin sa ating kultura, tradisyon ang pagbabasa ng pahayagan, kumbaga ito ang makalumang paraan sa paghahanap ng trabaho. Sa pahayagan din masusukat kung gaano kainteresado ang isang aplikante sa pag-apply sa trabahong kanyang napili. Sa pananaliksik na ito ay marami ding natutunan ang mga mananaliksik at madaming matutunan ang mambabasa nito, sa paraang ang mga respondente natin ay may mahirap man o mayaman, basta ang trabahong pinapasukan ay malinis at walang duming bahid ay maituturing na bayani sa ating lipunan.


REKOMENDASYON

Mairerekomeda ng mga mananaliksik na ito sa sangay ng gobyerno na nagsasaliksik upang mapatunayan sa buong bansa ang pagtukoy ng paraan sa pagkuha ng trabaho at empleyado, mairerekomenda din ito sa pribadong kumpanya na nais alamin kung anu rin ang paraan mapapatunayan at sa mga taong nais magpatuloy at pagpalawak ng pananaliksik na ito. Mairerekomenda ng mga mananaliksik na palawakin pa ang sakop at isama ang mga makabagong paraan sa nasabing paraan at ang mga saklaw at delimitasyon ng pananaliksik na ito. Mas maganda kung dadagdagan pa ang mga paraang ginamit upang makakalap ng datos at impormasyon sa mga empleyadong pagkukuhaan nila ng datos. Gustong ipaalam ng mga mananaliksik na bukas ang pananaliksik na ito sa mga indibidwal o mag-aaral na gustong ipagpatuloy ang pananaliksik na ito.


SANGGUNIAN


ENCYCLOPEDIA

Groiller’s Student Encyclopedia Volume 9 Page 19-20, 2004 Scholastic Library Publishing

Encyclopedia of Carreers and Vocational Guidance, Andrew Morkes, 2003 by Ferguson Publishing Company

The World Book Encyclopedia 2009. World Book Inc.


BOOKS

Psychology And Business, Jove Jim Aguas


INTERNET

http://www.cashthechecks.com/money/business-ethics - interview picture

www.artsjournal.com/bookdaddy/2008/07/ - newspaper

http://www.udel.edu/PR/UDaily/2007/apr/jobs041907.html - job fair

http://www.rivergraphics.net/brochure-design.php - brochure

http://www.thedctraveler.com/2008/02/radio-television-museum/ - television

http://www.class.uh.edu/classes/WOST6394_Scheper/scheper.html - poster

http://cordis.europa.eu/fp7/ict/programme/futint/home_en.html - internet

http://www.entrepreneur.com/bizopportunities/networkmarketing/networkmarketingcolumnistrodnichols/article159396.html

http://www.trabahophilippines.com


PAGKILALA:

Ang mga mananaliksik ay gustong magpasalamat sa mga sumusunod:


Ang Panginonng Maykapal kung saan ay ginabayan kami sa mga panahong kinailangan namin ng talino at ng gabay sa daloy ng aming pananaliksik.


Ang aming guro sa Filipino 102 na naging mabuting guro sa amin at mahaba ang pasensya sa pag konsulta namin sa kanya.


Ang UST Miguel de Benavides Central Library kung saan ang lugar kung saan ang pananaliksik ay ginanap at ang mga pagpupulong ay ginanap din.


Ang National Library na pinayagan kami na magpa-reproduce ng kopya mula sa mga ensayklopedya.


Ang Manila Public Library, Manilaniana Section sa pamumuno ni Gng. Gloria Sison – ang Head Librarian sa pag gabay sa mga librong hinihiram namin.


Ang CPDO Head na si Engr. Rodolfo H. Catu kung saan ay pinayagan kaming kumuha ng mga datos na kinakailangan namin.


Ang receptionist ng Convergys Philippines na gumabay samin sa pagproseso ng mga papel.


Ang receptionist ng Vertex One na si Rowena Galang kung saan ay tinulungan kami sa pagkuha ng mga

respondente sa aming sarbey na isinasagawa sa kanilang lugar.


Ang sekrtarya ng VP Operations ng Far Easter University kung saan ay pinayagan kaming pumasok sa kanilang institusyon at magsagawa ng sarbey


Ang supervisor ng JAMMAS na tinulungan kami sa pagsasarbey ng kanilang mga empleyado.


Ang Secretary of The President ng Far Eastern University sa pagpayag sa amin na magsagawa ng sarbey sa loob ng Administration Building


Ang Secretary ng Custody ng Far Eastern University na nagpasarbey sa mga janitors sa unang araw ng aming pagbisita sa kanilang opisina.


Aming mga kaklase, mga kaibigan at KAMI mga kagrupo na nagtulugan at nagbigay ng tulong para maging posible ang pananaliksik na ito.